PakXet!
FUck Shit! I really wanna die.
You are looking at posts that were written in the month of May in the year 2005.
| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| Jun » | ||||||
| 1 | ||||||
| 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 |
| 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 |
| 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 |
| 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 |
| 30 | 31 | |||||
FUck Shit! I really wanna die.
It has been three days since i last talked to him. I’m worried because I don’t know what happened to him. I really miss him. I hope he is well.
Akala ko nawala na siya ng tuluyan. Buti nalang nagkaayos kami kahapon pero before kami nagkabati napaka miserable ko. Sa kanya nga lang ako magpapaka gaga.
BABALA: puro ka cornyhan ang mababasa niyo
Akala ko kami na nga talaga pero nagkamali ako. Mahal ko siya at sabi niya mahal niya rin ako pero sa tingin ko hindi sapat yon para tulungan nya akong ayusin ang problema namin. Ang dali niyang sumuko. Sinabi ko lang na parang gusto ko nang umayaw pero kakayanin ko para sa kanya. Hindi ko alam kung anong nagyari pero bigla nalang siyang nagalit at nakipaghiwalay sa’kin.
Ngayon hindi ako makaiyak kasi shocked pa rin ako sa sinabi nya. Hindi ko mailabas ang sakit na nararamdaman ko kaya para akong mababaliw sa sama ng loob. Sinubukan kong kausapin siya pero parang sarado na talaga ang mundo niya sakin. Funny, dati sabi niya na kami lang dalawa ang nasa mundo niya at ako rin ang buhay niya naisip ko na ngayon na wala na kami pano na ang mundo niya? Naghihingalo na ba siya ngayon dahil wala na ang buhay niya?
Ako nanaman ang iniwanan. Ako nanaman ang nagpapakamartir. Ako nanaman ang namomroblema. Ako nanaman ang humahabol. Ako nanaman ang iiyak. Kapag hindi kami nagkaayos ni Michael hindi na talaga ako papasok sa gantong klase ng relationship. Magfofocus nalang ako sa pag-aaral ko at sa business namin ni menchie. Pero hanggang ngayon e umaasa pa rin ako na makakausap ko siya bukas.
Ang hirap ng situasyon ko ngayon. Ang sakit kasi hindi ko siya makasama. Ang sakit kasi hindi ko siya makausap. Ang sakit dahil wala akong magawa para baguhin ang situasyon.
Araw-araw pinipilit kong maging masaya pero deep inside nalulungkot ako kasi hindi ko siya mapuntahan kapag kailangan ko siya. Ngayon e medyo may problema kami at hindi namin magawan ng paraan dahil andon siya at nandirito ako. I’m hanging on dahil alam kong may pag-asa pa kami. I don’t wana give up simply because i love him so much!
I miss him so much. Nakausap ko siya ngayong gabi kaya lang pagod na siya kaya kailangan na niyang matulog. Galing kasi siya sa farm ng friend niya and may dala silang durian (hate ko ang durian). Buti nalang nagkaayos na kami kasi kagabi inaway ko siya. jajaja! Bad trip kasi tinulugan nya ako kagabi kaya un ginising ko siya tapos inaway ko. Para kaming baliw ng baby ko kasi away bati kami. jajaja! Pero ok lang kasi nagkakabati naman kami, konting lambing lang ayos na ang lahat. Best friend ko ang baby ko. Bago kami naging kami e siya takbuhan ko. Sa kanya ko ibinabalita lahat ng ngyayari sa mga boylets ko not knowing na nagseselos pala ang mokong.
Maayos na ang lahat samin kaya lang may konting problema. Nasa Valencia kasi siya at nandirito ako sa davao. Once or twice a month lang kami nagkikita ng baby ko. Wawa kami noh? pero wag ka kasi strong ang relationship namen. Kulang nalang samen e kasal. jajaja! hindi pa nga pala siya kilala ni papa at mama pero muntik na sila magkita ni mama nung pumunta siya dito nung aoril 2. ~sigh~ next time ko nalang ikukwento kung anong nagyari nung time na yon. jajaja!
i love you baby…
Grabeh! Liki jud kaayo kay nawingig akong world. Now i have to start all over again. Pesteng Guiatay! Can somebody help me?!
Hoi kilala mo kung sino ka. BAKEEEEEET?! Hindi mo pa sinasagot mga tanong ko. Sana umalis ka na para di na kita makita and di na rin maalala kasi sabi nila, out of sight, out of mind. Sana totoo kasi para bumalik na sa ayos ang lahat.
Happy birthday Mr. Juan Antonio Go! Sa totoo lang ayaw ko talaga ng starwars at wala akong planong manuod ng episode 3 pero libre kasi eh, jejeje! Birthday ng classmate ko at wala rin kasi kaming ibang ginagawa kaya sumama na kami. Hindi talaga ako interesado kasi ayaw ko ng mga movies na puro away and maingay rin kasi ang movie na yun dahil sa sword nila na di ko alam kung anong tawag(light saber raw sabi ni eric). Since hindi naman ako interesado sa movie ang una kong ginawa e makipagtext kay Buff pero nung medyo nakikinig na ako sa dialogue nila naging interesado ako kasi medyo nakakarelate ako sa kanila. Galing magbigay ng advice nung master jedi na green (pasensya na kasi d ko talaga alam mga names nila pero sabi ulit ni eric si master yoda raw).
[peste oi ka2lugon na kaau ko...nxt tym nalang nq ni humanon]
~sigh~
grabeh! mga business women na kami ni menchie. hinihintay nalang namin si kim para makapagstart na sila ni andy. hindi pala madaling mag-convince ng tao na sumali samin.
sa mga interesado mag business na may 7,800 na capital lapit lang kau saken..jejeje!
Hindi ako naniniwala sa mga pamahiin pero talagang malas ang friday the 13th ko this may 2005. Maganda naman yung simula ng araw ko nung friday dahil magkikita ulit kami ng mga baliw kong friends. Nagkita kami ni menchie sa national bookstore around 10:00am tapos hinintay namin na dumating si andy at nung kumpleto na kaming tatlo e syempre nagsimula na ang chikkahan. matagal-tagal rin kasi kaming hundi nagkakausap kaya isang oras ata kaming nakaupo sa may food court para mag-usap. Nanuod na kami ng Finding Neverland after naming magdramahan.jejeje!
(fast Forward)…
Nakaupo kami sa isa sa mga benches sa loob ng department store ng mall habang pinag-uusapan ang business proposal ni mobi. Chikka-chikka ulit kasi hindi pa kami sigurado kung itutuloy namin ang investment namin o hindi. occupied talaga kami nung mga panahong un pero biglang naattract ang paningin ko sa guy na naka red shirt. nung una akala ko namamalikmata lang ako. tinanong ko sina menchie at andy kung siya na nga yan pero ala silang masagot kasi hindi pa nmn nila nakikita ung taong tinutukoy ko. tinitigan ko siyang mabuti, di kc ako sigurado dahil nakatalikod siya. kinabahan na ako at tila naramdaman nyang may nakatingin sa kanya e humarap na rin siya at nakita ako. tinanguan nya ako at tinanguan ko rin siya sabay kaway ngunit wala kaming nasabi sa isa’t isa. halata sa mukha nya na may gusto siyang sabihin ngunit nagdadalawang isip siya. ewan.
natanong niyo kung bakit malas? kasi maayos na buhay ko at bigla siyang nagbalik. akala ko hindi na ako apektado pero meron pa rin palang natira kahit konti. ang lakas talaga ng kabog ng puso ko nun and to think ilang segundo lang ung pagkikita namin. bakit siya nagbalik?!
P.S.
vegeta, kung nababasa mo ito pasensiya na dahil apektado pa talaga ako sa presence niya. sana maintindihan mo ako. basta tandaan mo, iba ang naaalala sa iniingatan…mahal kita alam mo yan…
magi, kung ikaw naman ang nakabasa neto o kahit sinong relative ko please secret naten to…sasabihin ko rin kina lahat ng ito kina mama at papa very soon…